Huwebes, Nobyembre 17, 2011

OPINYON

LIPONG GUSAW; MAGALING
LANG SA SALITA!
Tila hilong talilong (lipong gusaw) itong si kagawad Vic Dante alyas Dante Vicente ng partidong AIM, matapos maging inutil sa kanyang panunungkulan bilang kagawad na walang malinaw na nagawang solusyon sa mga pangunahing problema ng kanyang mga hinawakan at hawak na komitiba sa Sanggunian kasama ng kanyang partido.
Dahil dito, balik radio nalang ang nasabing kagawad sa pag-asang baka sakali na may mapaniwala pa ito sa pamamagitan ng radio, ang hindi nito naisip at hindi katulad ng akala nito na madaling maloko ang mga mamamayan ng syudad sa pamamagitan ng binulok na istilo na gaya ng kanyang ginagawa, ang malungkot pa nito nag damay pa ito ng ilang masisisi sa darating na panahon dahil nagpagamit sa mga bulok na pulitiko, ang malungkot lang nito ay mayroon pa rin ilan silang nade-dengoy.
Sabi nga sa isang matandang kasabihan na “FOR EVIL TO TRIUMPH; WHAT THE EVIL WANT IS FOR GOOD MEN TO DO NOTHING” (ang gusto ng masasama upang silay magtagumpay; ay walang gawain ang mabubuting mamamayan), at dahil sa prinsipyo ng “SILING LABUYO” na labanan ang mga tiwali kaya; nais nating mapa-alalahanan ang ating mga kababayan sa mga modus operandi (mani-obra) ng mga manlolokong ito.
Simple lang ang diskarte ng mga ito, na halos walang pinagka-iba sa mga iba pang manloloko na gaya ng budol-budol, sa basic o pangunahing diskarte, gagamitan kayo ng mga iyan ng konting pera upang makuha ang inyong atensyon, (sa budol-budol gamit makapal na ginupit na papel saka ilang pirasong pera)at huli na ninyong mapapansin na kayo ay naguyo.
Sa diskarte nitong dating animo magaling na komentaristang si VIC DANTE ay magpakitang gilas sa radio na akala mo kung gaano ka galing sa pagbatikos sa kanyang mga dating binanatan sa kanyang mga programa bilang komentarista, subalit ng ito ay maging Kagawad ng syudad at malinaw na mas-masahol pa ito sa kanyang mga binatikos ng kanyang kapanahonan bilang media, bilang patunay sa kanyang kasalukuyang hawak na komitiba, bilang Committee Chairman ng Peace and Order, malinaw na ang pagiging INUTIL nito sa kawalan ng aksyon sa mga patuloy na malawakang patayan (pamamaril) at nakawan ng motorsiklo na madalas na biktima ay mga pobreng nagsusumikap lang mag habal-habal upang mabuhay.
Sa halip ay muling humawak ng programa sa radio na hindi malinaw kung gamit ba ang pundo ng Gobyeno o hindi, subalit kung titingnan natin sa pamamagitan ng Cost Benefit Analysis, mas lamang na maaring gamit ang Intelligence Funds ng syudad para isakatuparan ang kunyari station produced na palatuntunan.
Bagaman at ganito ang mukha na programa na nais nilang ipakita, na animo Show Money sa budol-budol, malinaw na sa diskarting pinul-pol at nilalaman ng programa at makikita mo ang nakatagong makasariling Agenda, Base na mga nagdaang araw (paputol ko ug liug ug dili matinood).
# 1 TARGET NITONG SIRAIN ang pinaka-mabangong kagawad sa taong bayan sa kasalukuyan na si KAGAWAD RONNEL C. RIVERA, na takbuhan ng maraming mahirap na mamamayan napabayaan ng administrasyon ng partidong AIM (majority party na namumuno sa syudad)(obserbahan ninyo tuwing araw ng Martes,  session ng Sanggunian).
# 2 PAGANDAHIN ANG PANGIT NA IMAHEN NG KANILANG PARTIDO, bunga ng kanilang mga palpak na programa at makasariling pagpapatupad ng mga ito.
Sa susunod na labas ipapakita natin ang mga mudos operandi ni Vic Dante aka Kag. Dante Vicente, base sa kanyang istilo.
Uulitin ko; “FOR EVIL TO TRIUMPH; WHAT THE EVIL WANT IS FOR GOOD MEN TO DO NOTHING” IF YOU BELIEVE THAT YOU ARE WITH THE GOOD MEN THEN, DO SOMETHING!, ITO RIN ANG PANININDIGAN NG ABANTE SOCSARGEN NEWS AT NG RADYO ALERTO NA MALAPIT NYO NANG MARINIG SA 11.07 khz sa AM band.    
For reactions, comments and suggestions please email us at brodkaster585@yahoo.com 

EDITORIAL
KUNG ANO ANG PUNO; SYA RIN ANG BUNGA!
Sa nakaraang editorial sinabi nating ang hindi marunong gumalang sa patay ay mahihirapang gumalang sa buhay, nitong nagdaang Nobyembre 13, 2011, sa ginawang live screening nang laban ng kinatawan ng Sarangani laban kay Marquez, isang hindi ina-asahang pangyayari ang naganap sa Lagao Gymnasium, ng hindi papasukin ng CSU na bantay sa gate si Vice Mayor Shirlyn BaƱas Nograles ng syudad ng Heneral Santos, ito ay dahil di-umano ay puno na ang naturang gymnasium.
    Ang dahilan ng nasabing CSU na si Nestor Falsario  ay malayo na isagot ng isang kawani ng pamahalaan na nasa matinong pag-iisip, at dapat mag bunga ng disiplina sa sino mang supervisor subalit maari din itong mag bunga ng pogi points para sa mga tila utusang turuang aso, lalo na at ang may alaga ay sadyang makasarili at makapal ang mukha upang gamitin ang mga pundo, kaganapan (boxing event) at pag-aari ng gobyerno para sa pansariling kapakanan. 

Paano na lang kung Talo?
Wala na sigurong makakapantay sa karangalang inihatid ni Congressman Emmanuel Paquiao sa ating bansa o sa lahing Pilipino kung larangan ng boksing ang pag-uusapan. Sa simula siya'y tulad lang ng ordinaryong boksingero subalit sa kanyang determinasyon at pananalig sa Panginoon nakamit niya ang tagumpay na di nakamtan ng mga nagdaang boksingerong Pilipino. Isa sa katangiang di mo makikita sa ibang kampeon sa boksing ay ang kanyang pagiging humble. Anupat dahil dito kinagiliwan siya di lamang ng mga Pilipino kundi ng buong mundo. Nakita ng daidig ng isa isa niyang pinatumba ang mga naglalakihang pangalan sa boksing sa daigdig, di lamang sa pangalan kundi pati sa katawan. Nasanay ang lahat kung papaano niya talunin ang mga ito. nandyan ang mga pinatulog niya sa ring at ang iba naman ay halos mabura ang mukha dahil sa sugat. So nasanay ang tao na makakita ng dugo sa labanan. Kung tutuusin parang nasa tuktok na si Pacman sa kanyang career sa boksing. Ngayon napakarami na rin ang mga desisyon na ginawa ng mga hurado sa boksing maging sa panahon pa nina Rocky Marciano, Muhammad Ali, Marvin Hagler, Thomas Hearns, Sugar Ray Leonard at marami pang iba na nagkaroong nag- question sa desisyon ng mga hurado. Subalit yon ay nanatiling pinal. Walang sinuman sa loob at labas ng ring ang may karapatang magdesisyon sa isang laban kundi ang mga piniling hurado. Ngayon kung hindi ka pabor dito hangang himutok ka na lang. Ang hindi ko maintindihan at di ko matangap ay ang mga komento ng karamihan sa Pilipino kasama na yong sinasabi kunong mga expert boxing analyst. Noong una sila yaong mga taong sumisigaw ng “Mabuhay si Pacman”, subalit ngayon dahil di nila nakita yaong dating liksi, lakas at bilis ni Pacman sila yaong parang sinisisi pa nila ito. Para sa akin sila yaong makabagong mga hudyo na sumisigaw noon ng “Mabuhay ang Hari” pagkatapos sila ngayon ay sumisigaw naman ng “ipako siya sa krus”. Para sa akin ang nais lang nila ay ang sariling kaligayahan, para bang tuwang tuwa silang nakakakita ng taong halos mamatay sa ibabaw ng ring. Isa pa tama lamang ang desisyon ng mga hurado dahil kita naman na puro antay lamang si Marquez, bihira lang siya pumasok. Kung ikaw ay challenger ipakita mo na kayang kaya mong pabagsakin ang iyong kalaban. Ang maliwanag dito di man nangyari ang inaasahan ng marami, hindi kaya ni Marquez si Pacman. Kung sinasabi nilang hindi convincing ang panalo ni Pacman, para sa akin mas lalong hindi convincing ang challenge na ipinakita ni Marquez. Sa aking palagay itong mga taong hindi matangap ang desisyon ng mga hurado ay pawang mga talunan sa pustahan, natalo sila dahil sila yong mga taong marahil nakipagpustahan na babagsak si Marquez sa 4th, 5th, 6th or 7th round pero hindi nangyari kaya natalo sila sa pera. Pag talo ka masama ang loob mo diba? O ano…tama ba?
Isa pa, ito ay pananaw lang ni Brod Pete, para lang magkaroon ng lakas ng loob itong si Mayweather na labanan si Pacman kailangan magpakita ng kahinaan kuno si Pacman diba?, malay natin. Kayo naman, yan ang tunay na analisis.  
Saka isa pa ano ba ang sinabi ni Pacman sa kanyang interview bago ang laban di ba sabi niya “I don't want anybody to get hurt” tapos inulit niya “to be badly hurt” siempre talagang masasaktan ka naman talaga sa boksing diba? Kaya hayon di niya binadly hurt si Marquez……. ewan ko pero di ko maiwasan ang magtanong paano na lang kung natalo si Pacman ano kaya ang reaksyon ng mga taong datiy halos gawin diyos si Pacman baka katulad ng sinabi ko sa una, sila siguro ay sisigaw ng “ipako siya sa krus” ….Congresman Paquiao ihanda mo na ang sarili mo sa mga mapagkunwaring mga taong ito. Di man lang nakita ang sakit at hirap na inaabot mo sa bawat laban, para sa kolum na ito sakali man dumating ang panahon na ibababa mo na ang iyong boksing gloves ikaw pa rin ang tunay na champion at dina mabubura ang karangalan na ibinigay mo sa lahing Pilipino. Mabuhay ka! Congressman Emmanuel Paquiao.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento