Linggo, Enero 8, 2012

OPINYON

FROG POND SA 34 MILYON NA PLAZA NG GENSAN
Habang ipinagyayabang ni Kagawad Dante Vicente alyas Vic Dante alyas atbp sa kanyang programa sa radyo na babaha di-umano ang mga proyekto ng Administrasyong DMAC (Darlene Magnolia Antonino Custudio) sa susunod na taong 2012 (kasi eleksyon na sa taong 2013). Hindi nakaligtas sa mata ng ilang taga Heneral Santos ang kapabayaan ng kasalukuyang administrasyon sa mga proyektong binuhusan ng mahigit 34 na milyong pisong Plaza ng Heneral Santos, na maliban sa mga napabayaan nang mga carabao grass, pundido nang mga ilaw ay palaka na rin ang laman ng pal-pak at marupok na dating Fish Pond na ngayon ay frog pond na.
    Tulad lang din ng dating imahen ng syudad na “BOOM TOWN” na sa ngayon ay tila isdang inalis sa tubig at naghihingalo na ang mga pangunahing industriya, gaya ng tuna atbp.
Patunay lang ito ng kawalan ng kakayahan ng AIM administration na ipagpatuloy kung hindi man mai-angat ang syudad mula ng kanilang manahin ang pamamahala nito.
     Ganoon pa man sa susunod daw na taon ay pababahain ang mga proyekto at marahil ay gagamitin na ang pundo na matagal na panahon na pinatulog sa Time Deposit, sa pagbabakasakali na mabola pa ang taong bayan, para sa halalan sa 2013.
                            -0-0-0-0-0-
    Tila gigil na gigil ang grupo ni Mayor DMAC sa ginawang kunsultasyon na ginanap sa tangapan ng Socoteco 2 sa usaping pakikipag-kasundo ng kooperatiba sa Sarangani Energy Corporation para sa supply ng kuryente sa hina-harap. Base sa ulat kwestionable raw ang ilang nilalaman ng kasunduan na pinasok ng kooperatiba. At ito ay hindi pabor sa mga gumagamit ng kuryente sa nasasakupan ng Socoteco. He he he alam kaya ng mga opisyal ng Gobyerno na ito kung ano ang puno at dulo ng problema ng kuryente, ipinasa ba ng mga alipores nitong AIM ang kahilingan ng taga Socoteco, na tutulan ang pagsasapribado ng mga HYDRO POWER PLANT NATIN DITO SA MINDANAO!,
Hindi sa pag pabor sa SOCOTECO 2, pero ang Siling Labuyo ay naniniwala na dahil sa kanilang mandato na mag supply ng koryente, natural lang na kahit sa demonyo pa galing ang koryente; dahil wala nang ibang mapagkukunan ay makikipag Kontrata yan!
Pero kung talagang matino ang layunin ng mga opisyales ng ating pamahalaan sila ay gagawa ng paraan upang maging maayos at matino na paraan para sa maayos na supply ng kuryente (hindi nakakasira ng kalikasan) at ipagbawal ang pag gamit ng hindi maayos na pamamaraan sa industriya ng koryente, sa ganitong paraan tiyak na matino na Kontrata ang mapapasok ng mga maagap na mga kooperatiba na gaya ng Socoteco 2.
Ewan ko kung alam ni Mayor DMAC, at kanyang mga alipores na ang puno at dulo ng problema sa enerhiya ay ang batas ng EPIRA (ewan ko rin kung ano ang ginagawa ni DMAC at ng mga dating Kinatawan (taga AIM) ng Heneral santos ng maipasa itong batas na ito).
Ang batas na ito ay ang naging sagot ng Gobyerno upang makaiwas na sa lomo-lobong utang ng NPC dahil sa malawakang katiwalian na syang naging dahilan ng pagkalugi, na sa lugar na linisin ay minarapat na ipagbili sa pribado sa pamamagitan ng EPIRA LAW, upang muling kumita ang pamahalaan, bahala na kung mapunta sa kamay ng kuyaring ipinagbabawal na kartel.
Kaya parang mahirap paniwalaan ang ganitong uri ng mga opisyal, na nagmamalasakit di-umano sa pasanin ng taong bayan, dahil kung sila ay totoo.
Paano nangyari na ang syudad ng Heneral Santos ay pumasok sa napakamahal na halaga na “LANDFILL” na may halagang mahigit 300 milyong piso. na ayon sa Kay Kagawad Dante Vicente (sa kanyang programa) ay higit na malaki, kesa sa LANDFILL NG DAVAO CITY, NA HIGIT NA, MAY MAS MARAMING TAO AT HIGIT NA MALAKING SYUDAD KUMPARA SA GEN. SANTOS, (sige nga, Mayor DMAC, can you give a logical reason for this).
Hindi ba't dahil sa laki ng gasto para lang sa tambakan ng basurang ito, ay malaki rin ang papasanin ng taong bayan sa bayarin ng proyekto, at magiging singil para sa halaga ng operasyon nito? (tambakan palang ng basura yan)
Hindi ba at ang Gobyeno ay service oriented?
Kung ganoon; e ano ang ginawa ng mga Antonino na nagpalit palit na lang bilang kinatawan ng Heneral Santos at unang Distrito ng Timog Cotabato noong pinapanday pa ang batas na ito.
Malinaw na ang taga Gobyerno ang dapat gumagawa ng mga polisiya para sa kaayusan at kapakanan ng kalikasan at taong bayan, kasama na ang mga gaya ng mga kooperatiba ng kuryente at mga kaugnay nito,
Pero ang tanong ano ang ginawa nila noong sila ay nasa katungkulan na may kinalaman sa paggawa ng mga polisiyang ito?
Ano ba yan? Sakay na lang sa tama dahil, malapit na naman ang eleksyon, at para mapag-usapan, he he he halata naman masyado, at sabi nga ng tambay sa kanto, “style nyo bulok!”
Ang payo ng siling labuyo sa mga nasa posisyon sa kasalukuyan, tingnan naman ninyo ang inyong mga hawak na katungkulan na pinahiram sa inyo ng taong bayan, dahil baka pag dating ng araw at pumapel kayo, kayo ay mapahiya dahil hindi nyo napansin o nakalimutan na ninyo na kayo pala ay bahagi ng problema, dahil sa inyong makasariling layunin at hindi bahagi ng solusyon.
                        -0-0-0-0-0-
    Belated, Happy Birthday to Sarangani Lone District Congressman Emmanuel “Manny” D. Pacquiao, may you have many more Birthdays to come, many blessing to come; so you can continue helping our country and countrymen.
     For reactions, comments and suggestions please email us at brodkaster585@yahoo.com 

EDITORIAL

TAO ANG DAPAT MANGUNA SA PANGANGALAGA NG MUNDO!
Ang panga-ngalaga ng mundo ay pangunahing obligasyon ng tao, ito rin ang mensahe ng tatlong Obispo ng simbahang katoliko sa tatlong Diocese na nakakasakop sa teritoryong nais na minahin ng SMI (Sagitarius Mines Incorporated). Sa kabila ng paliwanag ng ilang mga eksperto na kinontrata ng kompanya, malinaw na hindi nito naalis ang katotohanan, na base sa kasaysayan ng mga nauna nang mga pagmimina sa loob at labas ng bansa na hindi nagbunga ng maganda.
    Malinaw na ang pagkasira ng kalikasan ay tiyak ng dahil sa pagsira ng kapaligiran sa nasabing proseso, ng paghuhukay na wawasak sa kapaligiran ng pagmiminahan, hindi pa dito kasama ang lalong pinsala na ihahatid sa pagpapalala ng kasalukuyang climate change dahil sa itatayo na sariling dambuhalang plantang de -uling (350  500 MW Coal Fired Power Plant) na kakailanganin ng kompanya sa pag-proseso ng kanilang miminahin.
    Sa panawagan ng 3 Obispo ng Simbahang Katoliko, at ng mahigit isang daang libong mamamayan na lumagda sa panawagan sa Pangulong PNoy, upang itigil at pigilan ang nasabing proyekto, malinaw na patuloy na dumadami ang mga mamamayang Pilipino na mulat na sa katotohanan na “ANG TAO ANG DAPAT MANGUNA SA PANGA-NGALAGA NG MUNDO na ang kalagayan ng kalikasan ay higit na unang bigyang pansin kesa sa TUBO at PAKINABANG”.


SPECIAL EDITION

POSITION PAPER OF SAGING INC. CONCERNING CRISIS CROSSING/DUAL MEMBERSHIP OF
SOME MEMBERS OF SAGING, INC. AND PPBPWI WITH DETAILS OF EVENTS THAT ALL 
CONCERNED SHOULD KNOW.

1.    During the early formation of DABAPWATI, there was already a mutual understanding among the group that each Board of Trustee shall be solely responsible in organizing the claimants within their area of responsibility (AOR).
2.    That the group of officers upon consultation with Atty. Rodolfo B. Ta-asan Jr. was advised to form one (1) association in order to have more strength and impact when filing the case in court since various big foreign companies are to be sued.
3.    That the first chairman of DABAPWATI was Osias Aguirre who had an earlier commitment with Mr. Arturo G. Luardo (who represents the Gensan Group) that Arturo Luardo would be given AUTONOMY regarding its operation, although it is under the umbrella organization of DABAPWATI Davao group.
4.    That on October 10, 1998 DABAPWATI the case against DEFENDANT Companies Dole Food Company, et al; was filed in RTC Branch 14, Davao City having Civil Case No. 26960-98.
5.    That on the continuing process of admitting applicant claimants who want to become member of the Gensan group, BOT Arturo G. Luardo and his FACILITATORS were VERY CAREFUL in admitting applicants. The Gensan group admits claimants who are only within its area of responsibility (AOR) in General Santos City and the neighboring places of SOCSARGEN area.
6.    That each applicant claimant is being interviewed and those found not residing within the area of responsibility of Gensan group and or who have became member with other association with similar purpose of DABAPWATI are being rejected.
7.    That Gensan group always maintain GREAT RESPECT and FAIRNESS to his counterpart officers from Davao-group (group of Macasa, Valentin, Aguirre, Canico and Saycon) by not accepting applicant/claimants who are residents of Davao area and specially those who were already members of the different groups of DABAPWATI being mentioned.
8.    That the fund to finance the activities of Gensan group came from the minimal contribution of members and facilitators of Gensan group only.
9.    That on January 3, 2006 Atty. Rodolfo B. Ta-asan, Jr. made a motion to refer case to MEDIATION.
10.                       That the leaders of DABAPWATI was instructed to prepare a CONSOLIDATED LIST (Blue Book) of all claimants for submission to the COURT and DEFENDANT COMPANIES, The Gensan group has a separate listing from Davao group and it is located at the end part of the Blue Book. As reflected Gensan group has an AUTONOMY from Davao group and was properly represented by BOT Arturo G. Luardo consisting of 6,503 member/claimants. The Davao group consist of 42,329 members.
11.                       On July 7, 2006 Chairman Jimmy Valentin (DABAPWATI) (became chairman after Aguirre's death) wrote a letter to Atty. R.B. Ta-asan Jr. and attached therewith was the Resolution No. 44 dated July 4, 2006, terminating the legal services of Atty. Rodolfo B. Ta-asan Jr., after eight years of service to DABAPWATI. He (J. Valentin) wanted to pursue an out of court settlement to end the instant case and getting the services of certain Herminio T. Tayag as official negotiator for DABAPWATI's  case. This action of J. Valentin
created a misunderstanding among the officers of DABAPWATI and cropped-up factions. (To be continued..)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento