EDITORIAL
Highest Court of the Land; |
Tila yata nakalimutan na ng ilang mga intelihenteng tao, ang kasaysayan na pinagdaanan ng bansang Pilipinas, mula ng taong 1986, kung saan sa pamamagitan ng taong bayan ay pinalayas sa Malakanyang ng Diktador na yumaong Ferdinand E. Marcos, ito ay nasundan pa ng pagpapatalsik sa dating Pangulong Joseph E. Estrada, ng wala sa ano mang natupad sa nilalaman ng saligang batas hingil sa pag-papalit ng pangulo (impeachment) ang natupad, ganoon pa man inilok-lok ng dating Hepe ng Korte Suprema si Gloria Macapagal Arroyo bilang Pangulo.
Ang kaganapang ito ay naganap ng wala sa ano mang probisyones ng Saligang Batas, bagkus ito ay dahil ito sa paniwala na ang taong bayan na ang mismong humusga sa kabila ng katotohanan na ang mga nagsidalo sa EDSA ay higit na mababa ang bilang sa kabuoan ng Bumuto sa dating Pangulong Joseph E. Estrada..

MOTOR BOYS NI DANTE VICENTE; ANO ITO? |
Marapat lang linawin ng Sanggunian Panlungsod ng Heneral Santos at ng Administrasyon ni Mayor DMAC (Darlene Magnolia Antonino Custudio) ang mga lumalabas na pahayag ni Kagawad Dante Vicente, sa kanyang programang banat Brigada, na mga “motor boys” na kanyang ipinag-mamalaki sa kanyang programang Banat Brigada nitong mga nagdaang mga araw.
Malinaw pa sa sikat ng araw ang halos araw-araw na patayan sa Lungsod ng Heneral Santos, ito ay sa kabila ng inutil na AO# 23 ni Mayor DMAC (Darlene Magnolia Antonino Custudio) at ng kasing inutil din na Gun Control Ordinance naman na pinasa ni Kagawad Dante Vicente alyas Vic Dante.
Ang mga patayang ito ay ang mga pinaka-masahol sa kasaysayan ng syudad ng Heneral Santos sa kabila ng malaking pundo ng Intelligence Fund na walang linaw kung paano gina-gamit ng kasalukuyang administrasyon ni Mayor DMAC at ng kanyang mga alepores.
Kung ito ay ginagamit upang pundohan ang programa sa radio at ilang kalokohang gimik ni kagawad Dante Vicente ay nagkakamali ang administrasyong DMAC sa kanilang estilo ng pambobola sa taong bayan, malinaw na nagmu-mukhang tangang anchorman at pol-pol na kagawad lang lalo si kagawad Dante Vicente O Vic Dante sa tuwing may ulat na papasok may kinalaman sa lumalalang patayan at kriminalidad sa lungsod na nasa ilalim mismo ng kanyang komitiba.
Bilang babala sa mga dayuhan na ito, at bilang ipinanganak dito sa syudad ng Heneral Santos, nais kung ipa-alam sa inyo na matalino ang mga taga Gensan, maaring mapaniwala ninyo sila ng minsan, maari silang pumabor pa sa inyo ng isa pang ulit, pero sa panahon na may makita sila na mas mahusay sa inyo, ano mang gimik ang gamitin ninyo tutuldokan kayo ng taong bayan.
-0-0-0-0-0-
Sa ginanap ng Christmas Party ng KBP SARGEN Chapter, pinaniniwalaan ng malilinis na ang hangin sa mga walang kwentang bangayan ng mga magkakatungali na himpilan, nakakatuwa na iisa ang panawagan ng mga station managers ng mga himpilan, kasama na ang mga mamamahayag na kasapi ng KBP SarGen, ang magkaisa at iwasan ang bangayan ng magkakatungali na himpilan sa rating.
Malinaw rin ang pahayag ng ilang nabigyan ng pagkakataon na magsalita na iwasan ang banat na personal (kung saan biktima ang inyong lingkod) at manatili sa pagtalakay ng mga lihitimong issue at mga usapin sa lipunan, at pagsikapan ang mataas na antas ng propesyonalismo bilang mga mamamahayag.
At gaya ng matagal nang paninindigan ng SILING LABUYO, ABANTE SOCSARGEN NEWS, at RADYO ALERTO, kami ay mananatiling sandigan ng tamang katwiran, patuloy na magbabantay sa mga kilos ng mga nasa pamahalaan (ni VIC DANTE atbp.) bilang malayang mamamahayag sa ilalim ng demokrasya at patuloy na magbabantay pati na sa sariling hanay, upang sugpuin, ang sinumang lalabag, at sisira sa paninindigan ng isang matino, maayos at professional na media sa ngalan ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas. At bilang patunay nito muli ang hamon natin sa kagawad ng syudad at sa pamunuan ng brigada na bumatikos ng kapwa media ng wala sa lugar (personal at kasinungalingan).
-0-0-0-0-0-
Sa pangalawang pagkakataon; kagawad VIC DANTE ALYAS DANTE VICENTE, ipaliwanag mo kung paano mau-ubos ng media na ap-apin, at media na mukhang tilapia ang bibig,at parang luya ang paa, ang ulam dyaan sa Sanggunian sa araw ng session na ang serving ng pagkain dyaan ay naka “PACK-LUNCH.”
1. Patunayan mo na totoo ang sinasabi mo sa radyo at hindi ka sinungaling.
2. Patunayan mo na ikaw ay isang responsabling media.
3. Patunayan mo na ang banat na ginawa mo sa mga kasama mo sa media, (kung ikaw ay totoong media) ay hindi personal na atake gaya ng panawagan ng ibang media pati na ni Atty Kan na kasama mo sa Christmas Party ng KBP.
in fairness sa iyo e email mo sa akin at ilalabas ko ang sagot mo, at ilalabas ko,
kung ayaw mo naman sagutin mo sa programa mo na BANAT BRIGADA; aabangan ko yan kung kaya mong panindigan ang mga sinasabi mo sa programa mo.
Kapag hindi mo nagawan yan, palagay ko wala kang karapatan na tawaging media, lalo na at gagawing batayan ang nais ng karamihan ng mga kasapi ng KBP SarGen ang susundin.
-0-0-0-0-0-
Taong 2000, ipinakipaglaban ko sa dating Mayor Adel Antonino ang karapatan ng lahat ng media ng Gensan at Sarangani, para sa patas na budget, Para sa Palarong Bayan.
Kagawad Vic Dante ano nagawa mo para sa hanay na pinangalingan mo?
For reactions, comments and suggestions please email us at brodkaster585@yahoo.com

Ang Tama ay Tama ang Mali ay Mali |
Mahirap makabangon ang Pilipino sa kahirapan dahil sa kultura nitong hindi kayang humarap ng diretsahan lalo na kung makapangyarihan ang kalaban nito. Ito ang ipinakikita ng maraming Pilipino sa nagaganap na kontrobersiya sa pagitan nina Pangulong Noynoy Aquino at Supreme Court Chief Justice Corona. Nagpalakpakan ang mga Pilipino noong ipinangako ni Pnoy na papatagin at itutuwid niya ang daan. Lahat ay natuwa ng kanyang sinabi na papanagutin niya ang lahat ng mga corrupt, tiwali at nagnakaw sa kaban ng yaman ng bansa. Sa ipinapakita ng maraming Pilipino ngayon parang hanggang doon sa pangako lamang ang gusto nilang gawin ni Pnoy. Sapagkat ngayon na sinisimulan na ng Pangulo ang kanyang naipangako sila naman ang para bang gustong magkanlong sa mga nagkasala, parang sila ngayon ang kumakampi sa mga nagkakanlong sa mga taong nakagawa ng malaking kasalanan sa taong bayan. Para sa akin ito ang nangungunang dahilan kaya hindi makabangon at umasenso ang Pilipino. Hindi tayo sanay o ayaw ba nating magbago? Gaano man kabigat ang kapalit ng ginagawi ng Pangulo ngayon sa nakikita ko hindi mahalaga para sa kanya. Siya ay nanatiling naka-focus sa hangarin na linisin at habulin hindi lamang yong mga nagkamali kundi pati na yaong mga nagkakanlong dito. Sadyang napakahirap para sa isang tao ang magpanimula ng makatotohanang pagbabago. Sagad na sa buto at talamak sa systema natin ang pagiging corrupt mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas na position sa pamahalaan maging sa pribadong sektor sabihin ninyong sinungaling ako kung walang nagaganap na corruption. Napakalaking kasalanan kung ang isang mabuting tao ay walang ginagawa kapag nakita nitong gumagawa ng krimen ang isang masama. Inaasahan na makakaapekto sa popularidad ni Pnoy ang kanyang ginagawang harap-harapan na pagpuna kahit sa pinakamataas na hukuman ng ating bansa. Hindi ako naniniwala na makaka-apekto ito sa tiwala ng taong bayan sa hukuman dahil hindi naman ang hukuman ang inaatake ni Pnoy kundi ang mga tao sa hukuman na siya mismong sumisira sa tiwala ng taong bayan. Sa pananaw ng inyong lingkod dapat tayong matuwa dahil sa wakas nagkaroon tayo ng pangulong may buto, may puso, may lakas ng loob, may paninindigan at hindi marunong magkunwari tulad ng karamihan ng Pilipino na ginagawang dahilan na para wala na lang gulo ay aamuhin na lang nito ang nagkamali, lalo na kung makapangyarihan o dating makapangyarihan ito. Hindi makausad sa kahirapan ang Pilipino dahil napakadali nitong magpatawad, napakadali nitong makalimot, wala ni isang malaking isda na nagkamal ng yaman sa panahon ng kanyang panunungkulan sa ating bansa ang nagbayad o naparusahan dahil sa kasalanan nito. Kaya tuloy ang magnanakaw ay bumabalik ng bumabalik dahil hindi na tayo natuto. Sa ibang bansa talagang ikinukulong, talagang binibitay ang napatunayang nagkasala maging president man siya. Ang batas nila ay talagang ipinatutupad. Subalit dito sa Pilipinas lagi na lang tayong humahanap ng paraan, “baka puede pa itong hilutin”, pinaiikutan natin ang batas, mahusay tayo sa hilot. Napaka gaganda ng ating mga batas ikompara sa ibang bansa, ang problema sa atin ay ang implementasyon. Doon tayo talo, kaya hindi natototo ang Pilipino, kung kanikanino tayo humihingi ng konsiderasyon, ng tulong sa mga padrinong nasa position kahit na alam natin na mali at nagkasala ang humihingi ng tulong sa atin. May mga economista pa tayong nagsasabi na dapat ang economiya ng bansa ang pag tuunan ng pansin ng pangulo hindi yaong pamumulitika. Eh! ito ngang dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ang kanyang inaatupag ngayon eh, pamumulitika ba yong habulin niya ang mga nagkamal sa yaman ng bayan. Ano ang gusto ng bayang Pilipino hindi na lang umimik si Pnoy, gusto ba nilang gawin din ni Pnoy ang ginawa ng dating administrasyon, gusto ba nilang makisayaw na lang siya sa baluktot na naka ugaliang pamamahala ng mga nagdaang pinuno ng bansa. Pasa sa pananaw ng inyong lingkod nasa tamang direksiyon ang ating pangulo. Kung tutuusin kulang pa ito. Kelan pa matatakot ang mga kurakot, kelan sila mawawala kung hindi man mabawasan man lang. kapag hindi nagbago ang ating sistema ng pamamahala lahat ng kabataan papalit sa ating mga pinuno ay magmamana ng bulok na sistema. Gaano man kabigat ang kapalit ang pananaw ng inyong lingkod “Ang tama ay tama ang mali ay mali”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento