Biyernes, Oktubre 14, 2011

EDITORIAL

WELCOME… WELCOME…. AND WELCOME AGAIN
 Confucius says:  A superior man/woman is modest in his speech, but exceeds in his actions.
    Tila wala nang katapusan ang pahirap sa ilang mamamayan ng syudad ang bunga ng kapabayaan ng ilang pulitiko sa lungsod ng Heneral Santos, lalo na sa ilalim ng naghaharing partido ng AIM, na nakinabang na mula sa AMA, INA, KAIBIGAN na KAKUTSABA at ngayon ay nasa anak naman, ng lahat ng biyayang makukuha sa katungkulan, samantalang ang mga taong bumuto at naghalal sa kanila ay anino mga busabos na isisilong lang sa covered court ng syudad, bibigyan ng ilang latang sardinas, noodles at konting bigas, ito ay dahil sa kulang sa kahandaan sa mga kaganapang natural tulad ng malakas na pagbuhos ng ulan sa kapaligirang kinalbo na ng ilang mapagsamantalang illegal at legal na LOGGERS.
    Nitong nagdaang ilang araw na muling ginambala ng malakas na ulan ang mga mamamayan ng City Heights na may tabing ilog, sila ay muling hinakot sa Oval Covered Court, na ginawa na nitong mga nagdaang araw. At ito ay muling mangyayari sa kanila habang hindi pa nagagawa ng City Engineers Office ang GABION DIKE na ginawa na din ng ilang beses at nawasak din ng ilang beses ng parehong tanggapan gamit ang kakapurit na pundo ng taong bayan.
Malinaw na sa halos dalawang dekada na ng pamamayagpag ng naghaharing partidong AIM sa lungsod ng Gensan, ay masasabing napabayaan nito ang pangunahing layunin ng RA-7279 bilang pamahalaan, malayong malayo sa narating ng KPS na ang mga kasapi ay tumangap na ng halos 500 titulo para sa kanilang permanenting tirahan na ligtas sa baha pag bumuhos ang konting ulan.       

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento