Biyernes, Oktubre 14, 2011

Siling Labuyo

At bilang karugtong sa tila sintunadong orchestra na tila may layunin na character assassination sa sumisikat na pag-asa ng taong bayan sa lungsod ng Heneral Santos sa katauhan ng Kagalang-galang na  Kagawad Ronnel C. Rivera, malinaw din ang walang basehang pahayag ng kapwa nito Kagawad na si Dante Vicente alyas Vic Dante.
Maliban dito tila lumalalim ang tug tug na sintunadong orchestra ng propaganda ng ganapin sa Sangguniang Panlunsod ng syudad ang tila sarsuela na paglilinaw di umano ng tirador na anchorman ng mistula nitong senermonan ang konseho,   na pumayag naman.
Ang naturang kaganapan ay nabigyan ng daan sa pamamagitan ng liham ng tirador daw na komentarista ng Himpilan sa kay Kagawad Elizabeth Bagonoc  bilang Chairman ng Committee on Public Affairs and Information na pinagbigyan naman ng huli upang di-umanoy mabigyan ng hustisya ang nasabing himpilan na  nabahiran di-umano ng pagdududa ang kredibilidad; dahil sa naging pagtatanong ni Kagalang-galang na Kagawad Dom-Dom Lagare sa naging pagpasok ng media sa loob ng Police Line na nagkataon na ito ay ginawa ng station manager ng nasabing himpilan.
 Sa naturang pagdinig malinaw ang ilang katotohanan na naglabasan, mula mismo sa bibig ni Kagawad Dante Vicente na ang dalawang nasasangkot na personalidad ng media na sina Ernie Gabunada, at tirador na anchorman ng Brigada ay parehong trusted na dating tauhan ng kagawad ng sila ay magkakasama pa sa himpilan ng BOMBO, bagay na malinaw kung bakit sila-sila na lang mismo ang pumapel na nagbibigay pahayag sa kredibilidad ng bawat isa.
Magugunita na si kag. Dante Vicente ay nagpahayag ng hindi malinaw kung ano ang basehan sa pamamaril sa kagalang-galang na Kagawad Ronnel C. Rivera ay walang kinalaman sa kanyang gawain bilang kagawad ng syudad sa napaka-iksing panahon na wala pang walong oras matapos ang pamamaril sa naturang kagawad, at mapapansin na ang naturang pahayag ay lumabas kay ginoong Ernie Gabunada, ang manager reporter ng Brigada FM na unang naglabas ng terminong SELOS sa pakikipagpanayam sa security ng Socsargen Hospital, na sinasabi naman nilang pinagmulan ng malisyosong pananaw na nilalaman ng kanilang report.
Sa naganap na tila sarsuelang paliwanagan sa Sanggunian Panlungsod ng Heneral Santos , minsan pang nagtagumpay ang kung sino mang taga kumpas ng sintunadong orchestra, dahil sa napilitang manahimik ang natitirang menorya, at sa pamamamagitan ni kagawad Dante Vicente isang resolusyon na nagbibigay ng pagkilala sa di-umanoy mahusay na coverage ng nasabing himpilan sa naganap na pamamaril sa kanilang kasama sa konseho, na nagkataon na nakikitang isang malaking banta sa liderato ng naghaharing partido ng AIM na partido ng karamihan na kasapi ng mismong Sanggunian.
Gaya ng aking nabanggit sa nagdaang issue ng siling labuyo, kung ang nais ng SP ay malaman ang katotohan na lumabas sa ere sa nasabing himpilan ang pinaka siguradong paraan ay walang iba kung hindi pahingan sa naturang bulwagan ang TOA o Tape on Air mismo ng nasabing himpilan ng oras at araw na pinag-usapan, kung itatanong nyo kung bakit wala ni isa man sa kanila ang naka isip ng naturang pamamaraan… ang sagot ay malinaw na ang pakiramdam marahil ng oposisyon ay nasa bunganga siya ng leon ng mga panahong yon.
Maliban sa iisang radio na nagpalutang ng malesyosong anggolo, napansin din ang mabilis na pag-ikot ng tsismis sa mga purok at Barangay, ayon sa ilang Barangay Kapitan na ating naka-usap base sa isyung mukhang sadyang pinalutang sa ere sa balatkayo ng comprehensive reporting, at masahol pa sa naturang anggolo ng selos, ay napabalita rin ng mga tsismosa na pumanaw na daw ang nasabing kagawad.
Kasama sa mapanirang ulat ay ang naging pahayag ng mismong alkalde ng lungsod Mayor DMAC (Darlene Magnolia Antonino Custudio) na kung saan binanggit na ang pinangyarihan ng naturang insidente ay sa LOG na isang KTV bar, kung saan nakadagdag ng malisya sa naturang ulat, na kung pagbabasihan ang mga impormasyong binitiwan ng alkalde ay makikita mo ang mga impormasyong posibling ibinahagi din ni Ginoong Ernie Gabunada, gaya ng mga katagang (LOG, at kaaway) na nakasama sa mga katagang nasambit sa ere bago pa nito nakapanayam ang alkalde.
Nang naglabas ng panawagan ang pamilyang Rivera sa pamamagitan ng Panawagan ni Ginoong Rudy Rivera, ama ng biktimang kagawad, tila binuhusan ng malamig na tubig ang magaling di-umano na tagapag-balitang si ginoong Gabunada (columnista din ng VIGILANTES sa pahayagang brigade), at  kapwa naman nila media ang hinarap, ng mamang animo huramentado, unang nabanggit sa himpapawid ang pangalan ni kasamang Rey Remegio (isang freelance na media) at sinunod naman na isinalarawan kami ni kasamang Anter Alcos, at pinasaringan pa ng mama ang aming programang blocktime sa Radio BOMBO tuwing araw ng Martes, Huwebes, at Sabado tuwing alas onse y medya hangang alas dose (11:30  12:00) at pati na itong ating pahayagang ABANTE SOCSARGEN NEWS, at dahil dito nalasap tuloy nila ang hindi nila ina-asahang banat na akala mo nabundol sila sa bundok na pader, hanggang sa nagsitigil sila dahil sa wala na silang maikatwiran kung hindi personal nang paninira sa tao.

Bagaman at walang gustong umamin sa mga katotohanang ito, ang lahat ng mga detalye nito ay nilalaman ng mismong TOA ng himpilang Brigada FM nitong nagdaang  ika 3 ng buwan ng Setyembre ng taong kasalukuyan,  bagay na ewan ko kung nakakuha na o makakakuha pa ng kopya ang ilang humiling sa tangapan ng NTC upang maka-kuha ng mga nasabing Tape On Air… pero base sa impormasyong nakalap ng aking bubuyog, hanggang sa ngayon ay hindi pa natatangap ng ilang may kahilingan sa NTC ang kopya ng kontrobersyal na programa noong a-tres ng Setyembre, at ang ganitong estratehiya ay ginamit na rin ng dating broadcaster na ngayon ay kagawad na ng syudad bilang hindi patas na paraan upang maka-iwas sa pananagutan sa batas.
Tinitiyak ng siling labuyo na ang mahalagang TOA na ito ay naglalaman ng ilang mahahalagang bagay gaya ng kapalpakan ng media, na maaaring sinadya upang may masira, at may makinabang rin naman sa kabilang banda.
Sa kabilang daku naman, ang pagkakataon na ito ay maari ding magamit ng Kapisanan ng mga Broadcasters ng Pilipinas upang mai-angat ang antas ng professionalism ng mga kasapi ng himpilan at broadcasters, sa pamamagitan ng malinaw na alituntunin para sa mga broadcasters na humahawak ng programang pinaniniwalaan pa naman ng taong bayan.
 Ang malaking dahilan sa aking paniniwala kung bakit medyo nabawasan ang kayabangan ng ilang announcer ng Himpilang Brigada,…may karugtong pa. For reactions, comments and suggestions please email us at brodkaster585@yahoo.com
               

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento